Isang
lugar sa Tabuk Suba sa Jaro Iloilo, nkatira si tonyo at ang dalawa niyang anak
sa isang kubo. Siya lang nagtataguyod dito dahil naaksidente ang kanyang asawa.
May
lahing aswang si tonyo at tuwing kabilugan ng buwan nagpapalit siya ng
ibat-ibang anyo, ipinaliwanag niya sa kanyang mga anak at naintindihan naman
ito at pinayuhan na huwag gagamitin sa masama ang kapangyarihan.
Isang
gabi nagbilin si tonyo sa kanyang anak na luluwas ng bayan at dun na magpalipas
ng gabi at pinagbilin na wag lalabas ng bahay. Sa kasagsagan ng gabi napansin
ng mga bata na pula ang buwan.
Naglaro
sila at nagpapa-palit ng anyo bilang ibon nang biglang dinagit ang dalawa ng
isang agila pinatay at kinain. Busog ang
agila at nagbago ng anyo ito pala ay si tonyo. Hinanap niya ang mga bata at
natuklasang ang kinain niyang dalwang ibon ay kanyang mahal na anak.
No comments:
Post a Comment